Mahirap na sigurong
makahanap ng ibang ikaw.
Di na pwepwede.
Imposible.
Minsa’y nagtataka.
Bakit naman ako pa
ang iyong napili?
Di ba’t ang swerte
ko naman?
Di makapaniwalang
ikaw ang nandiyan.
Walang iwanan.
Kapit ka lang.
Tingnan mo nga naman.
Tayo’y nagkatuluyan.
Di naman talaga
tayo bagay.
Akalain mo na
walą namang nakapagsabi
na tayo rin sa ending
magkakasama.
Walang ibang ikaw.
Sa dina-dinami
ng tao dito sa mundo.
ika’y natatangi.
Ako’y nabighani.
Sa bawat araw na kasama ka,
nahanap tunay na ligaya.
Ika’y panaginip.
Panaginip na naging totoo.
Di makapaniwalang
ikaw ang nandiyan.
Walang iwanan.
Kapit ka lang.
Tingnan mo nga naman.
Tayo’y nagkatuluyan.
Di naman talaga
tayo bagay.
Akalain mo na
wala namang nakapagsabi
na tayo rin sa ending
magkakasama.
Walang maganda!
Wala nang iba!
Ikaw ang lahat!
Walang katapat!
Sigurado ka ba?
Wala nang atrasan ‘to!
Tingnan mo nga naman.
Tayo’y nagkatuluyan.
Di naman talaga
tayo bagay.
Akalain mo na
walą namang nakapagsabi
na tayo rin sa ending
magkakasama.
Walang ibang ikaw.